Talumpati Tungkol sa Kahirapan
Sa aking
magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at
kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin
ko ang inyong mga taynga.
Minsan naisip
ba natin o minsan sumagi basa sa isip natin kung bakit tayo naghihirap? Bakit nga
ba? Gobyerno ba ang dapat sisihin o tayong mismong mamamyan ng bansang ito? Bakit
ba pagmaraming mahirap gobyerno lagi ang ating sinisisi? Isa sa malaking
kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Simula’t
sapul ganon na talaga ang ikot ng mundo matagal na natin tong nararanasan
napipilitan tayong gawin ang trabahong di nating gusto para bilhin ang mga
bagay na di nating kaylangan. Kahirapan, sanay na kami dyan higit libo na ang
bilyonaryong may kaharian ngunit bilyon din ang tag-hirap patay na yung ilan wala
sanang tag-gutom kung pantay yung hatian. Tayong mga Pilipino ay mahilig
manisi, kaya tayo mahirap dahil sa gobyerno, samantalang ang gobyerno ang
gumagawa ng paraan para maging maayos tayo pero tayo mismo ang di gumagawa ng
paraan para maging maayos.
Isang dahilan
ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang
tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay
nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala
dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Gugustuhin
mo bang mamuhay ng mahirap? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kaylan
tayo kikilos para umasasenso? Tayo ba ang may kasalanan kung bakit tayo
mahirap?
Ako bilang
isang mag-aaral at bilang isa sa mga kabataan, ako ay naglalayon na umasenso at
makaraos din sa matinding sakuna ng bansang ito. Ako ay magsisikap makapagtapos
sa aking pag-aaral nang sa gayon ako ay magkaron ng magandang kinabukasan. Isa lang
itong simpleng pamamaraan upang makatulong sa pag-asenso ng bansa dahil ang pag
asenso ng sarili ay isa ring pag asenso ng bansa para sa henerasyon mo at mga
susunod pang henerasyon ikaw ay isang magiging magandang halimbawa.
Ano ba bang
hinihintay natin? Tayo ba ang may mali o ang gobyenro parin? Kung tayo ay
kikilos tayo ay aasenso at aangat sa buhay dahill kaylanman hindi naging
dahilan ang pagiging mahirap dahil hindi natin ito kasalanan ang tanging
kasalanan natin ay kung mamamatay tayo ng mahirap.